27 SENIOR CITIZENS SA ALICIA, TUMANGGAP NG AYUDA

Cauayan City – Tumanggap ng cash assistance ang 27 lolo at lola sa bayan ng Alicia, Isabela noong ika-26 ng Pebrero.

Ito ay bilang bahagi ng sabay-sabay na pamamahagi ng ayuda sa buong bansa, alinsunod sa Republic Act 11982 o ang Expanded Centenarians Act.

Ayon kay Dulceneah Lyra Dela Cruz, pinuno ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region 2, ang mga senior citizen na may edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng ₱10,000, habang ang mga aabot sa 100 taong gulang ay tatanggap ng ₱100,000 mula sa gobyerno.

Layunin ng programang ito na bigyang-pugay at suportahan ang mga nakatatanda bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa lipunan.

Facebook Comments