2,850 MAGSASAKA SA SAN NICOLAS NA HINDI NAKATANGGAP NG RICE SEEDS SA NAKARAANG DISTRIBUSYON, NABIGYAN NA

Mahigit 2,850 magsasaka sa bayan ng San Nicolas ang nakatanggap ng hybrid rice seeds mula sa Department of Agriculture (DA) matapos hindi maisama noong nakaraang taon.

Ayon sa tala, rehistrado sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBA) at Rice Seed Monitoring System (RSMS) ang mga magsasakang hindi nakatanggap ng certified inbred rice seeds noong Disyembre 22, 2025.

Tatlong uri ng hybrid rice seeds ang ipinamahagi kabilang ang NK 5017, HABILIS, at NK S6003 na itinuturing na nagbibigay ng mataas na ani at resistensya laban sa sakit.

Ayon sa lokal na pamahalaan, pinatataas nito ang produksyon ng palay at pinabababa ang gastusin ng mga magsasaka sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments