2ND BABY | Pauleen Luna, ready nang sundan si baby Talitha

Manila, Philippines – Ready na raw ang aktres na si Pauleen Luna na sundan ang unang anak nila ni Vic Sotto na si Talitha.

Say ni Pauleen, next year ay talagang ka-career-rin na nila ni Bossing ang paggawa sa kanilang baby number 2.

Siniguro naman daw ng kanyang doktor na perfectly fit siya para magbuntis ulit at kakayanin pa niya kahit hanggang pitong tsikiting!


Nauna nang sinabi ni Pauleen na pangarap niyang magkaroon ng malaking pamilya at gustong-gusto niyang mag-alaga ng mga baby.

Facebook Comments