NBA Update

NBA – Sa Western Conference Playoffs, 3-0 na ang serye sa pagitan ng Golden State Warriors at Portland Trail Blazers matapos na manalo Warriors sa score na 119-113 sa naging laban nila kahapon.

Tabla naman na ang serye sa pagitan ng San Antonio Spurs at Memphis Grizzlies nang manalo ang Memphis sa game 4 sa score na 110-108 kahapon.

3-1 na din ang serye sa pagitan ng Houston Rockets at Oklahoma City Thunder matapos na manalo ang Rockets sa game-4 sa score na 113-109 sa naging laro nila kanina.


Samantala, sa Eastern Conference Playoffs – tinalo ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards sa score na 116-98 sa game 3 kahapon pero abante pa rin sa serye ang Wizards (2-1 ).

Tabla na din ang serye sa pagitan ng Toronto Raptors at Milwaukee Bucks sa 2-2- matapos manalo ang Toronto sa score na 87-76 kahapon.

Tinapos naman na ng Cleveland Cavaliers ang serye kontra Indiana Pacers matapos na manalo ang Cavs sa laban nila kanina sa score na 106-102.

Naglalaro naman sa kasalukuyan ang Boston Celtics at Chicago Bulls sa game-4, na susundan naman ng game-4 sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Utah Jazz.
DZXL558

Facebook Comments