Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang tatlong (3) indibidwal matapos maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga alagad ng batas sa Lalawigan ng Isabela.
Unang nadakip sa inilatag na drug buybust operation ng PNP Ramon ang isang construction worker na si Paulo Daep, 21 anyos at residente ng Bugallon Proper, Ramon, Isabela.
Nabentahan ng suspek ang isang police poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang halagang Php500.00.
Nakuha naman sa pag-iingat nito ang limang daang piso na buybust money na sinaksihan ng media, mga barangay Kagawad at opisyal ng bayan.
Samantala, natimbog din ang isang tsuper sa isinagawang search warrant ng PNP Roxas matapos masamsaman ng iligal na droga ang suspek na nakilalang si Nelson Buenaventura, 49 anyos at residente ng Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.
Matapos ang paghahalughog sa bahay ni Buenaventura ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu, mga aluminum foil, isang (1) glass pipe at 17 piraso ng straw.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Dagdag dito, huli rin sa search warrant ng PNP Cabatuan ang isang negosyante na si Mercedes Paguirigan, 63 anyos, negosyante at residente ng Brguy. Luzon, Cabatuan, Isabela.
Nakuha sa loob ng kanyang bahay ang tatlong (3) heat sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu at mga assorted drug paraphernalia.
Nahaharap ngayon sa kasong pagalabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlong suspek.