3 patay sa pamamaril sa Maryland, USA

World – Nasawi ang tatlong tao habang dalawang ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa Maryland, USA.

Ayon kay Jeffrey Gahler, Hatford County Sheriff – pinagbabaril ng suspek na si Radee Labeeb Prince, 37-anyos ang limang empleyado ng Advance Granite Solutions.

Inaalam na aniya ang motibo sa pamamaril.


Ang nasabing kumpanya ay gumagawa ng granite, marmol at engineered stone countertops, vanity tops at surfaces para sa pagpapagawa ng kusina, banyo at fireplace.

Patuloy ang pagtugis sa suspek.

Facebook Comments