Maynila, napasama sa pinakaligtas na lungsod para sa mga babae

Manila, Philippines – Napasama ang Maynila sa mga piling lungsod sa mundo na kabilang sa kinilalang pinakaligtas para sa mga babae.

Nakuha ng Maynila ang ika-anim na puwesto mula sa labing siyam na megacities sa buong mundo na kabilang sa isinagawang survey ng Thompson Reuters foundation poll.

Pinagbatayan sa survey, ang sexual violence, access to healthcare, cultural practices at economic opportunities.


Nanguna naman naturang listahan ang London na sinundan ng Tokyo at Paris.

Habang ang Cairo naman ang itinuring na pinaka-delikadong siyudad para sa mga kababaihan.

Facebook Comments