3 pulis sugatan ng maaksidente sa Sultan Kudarat Maguindanao

30

Sugatan ang tatlong mga pulis na nakatalaga sa Datu Paglas Municipal Police station ng silay maaksidente sa kanilang sinasakyang Toyota Hi Lux ng mabundol nito ang malaking puno ng Gemilina sa Barangay Pigkalagan sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao dakong alas 3:30 ng hapon kahapon.
Kinilala ang mga biktima na sina P02 Samsudin Dimapalao, PO3 Diwata Usman at PO2 Ernani Pacana .
Sa report ay galing sa Police Regional Office ng ARMM sa bayan ng Parang Maguindanao ang tatlo na minamaneho ni Dimapalao at nais sanang mag oovertake sa sinusundang Toyota Fortuner subalit ayaw magpaovertake. Sa pag iwas ni Dimapalao ay nawalan ito ng kontrol sa minamanehong sasakyan at bumangga sa puno sanhi ng pagkawasak sa harapang bahagi ng kanilang sasakyan. Sa ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga biktima habang nakatakdang dalhin sa isang pagamutan sa Davao City si PO2 Pacana matapos mabali ang buto( Amer Sinsuat)

Facebook Comments