Aabot sa 30,000 mga pasahero kada linggo ang inaasahan ng Civil Aeronautics Board na tatangkilik sa muling pagbubukas ng NAIA Terminal 4.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Atty. Eldric Peredo, operations head ng Civil Aeronautics Board na ang bilang na ito ay kung mapupuno ng airline operators ang kanilang mga eroplano.
Bago kasi aniya magpandemya ay nasa 3 milyon ang kapasidad ng NAIA Terminal 4 annually.
Samantala, kabilang sa mga airline company na balik na sa NAIA Terminal 4 ang operasyon ay ang Cebgo na may 14 na rutang biyahe, AirAsia na may 11 domestic routes at Airswift na may 3 ruta.
Kasunod nito, tiniyak ni Peredo na mahigpit pa ring nasusunod ang healrh and safety protocols sa mga paliparan dahil nanatili pa rin ang banta ng COVID-19.