312 public schools, napinsala ng Bagyong Uwan

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na hindi bababa sa 312 na pampublikong paaralan ang nagkaroon ng pinsala sa imprastruktura dahil sa Super Typhoon Uwan.

Ayon sa DepEd, partikular na napuruhan ng bagyo ang Bicol at CALABARZON.

Base sa situation report ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 1,182 na silid-aralan ang nakaranas ng bahagyang pinsala, 366 ang malubhang nasira, at 261 naman ang tuluyang nasira.

Iniulat din ng DepEd na 5,572 silid-aralan mula sa 1,072 paaralan sa 11 rehiyon ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers, pansamantalang tinutuluyan ang mga pamilyang lumikas.

Ayon sa DepEd, patuloy pa rin ang beripikasyon ng mga datos habang dumarating ang karagdagang ulat mula sa mga tanggapan ng rehiyon at dibisyon.

Facebook Comments