Wednesday, April 15, 2026

Ilocano effect, ipatutupad sa paghahanda sa ASEAN 2026 —FL Liza Marcos

Magpapatupad ng “Ilocano effect” o pagtitipid ang pamahalaan sa paghahanda ng bansa para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong taon.

Ayon kay First Lady Liza Araneta-Marcos, nangangahulugan ito ng mas maingat na paggastos sa pagho-host ng Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ng Unang Ginang sa kanyang sorpresang pagbisita sa tanggapan ng Presidential Communications Office (PCO) sa Malacañang kahapon, April 14, 2026.

Nagbiro pa si FL Marcos kung aabot ba sa puntong pati siya ay magja-jumping jacks sa harap ng media.

Matatandaang isang araw bago ito, nagsagawa rin ng kakaibang aktibidad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa parehong tanggapan kung saan nag-jogging at nag-jumping jacks siya.

Nauna nang inatasan ng pangulo ang ASEAN organizing committee na magbawas ng gastos sa hosting, kasunod ng tensyon sa Gitnang Silangan na nakaapekto sa presyo ng langis.

Dahil dito, binawasan na rin ang ilang pulong ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Facebook Comments