32ND NATIONAL CRIME PREVENTION WEEK, OPISYAL NANG SINIMULAN SA PANGASINAN

Pormal nang sinimulan sa Pangasinan ang 32nd National Crime Prevention Week (NCPW) sa pamamagitan ng kick-off ceremony na isinagawa noong Setyembre 1, 2026.

Pinangunahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagdiriwang, na isinagawa sa pangunguna ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO).

Dumalo rin sa seremonya ang Chairman ng Police Regiona Appellate Board 1 (PRAB 1) ng NAPOLCOM Regional Office No. 1.

Tampok sa seremonya ang Message of Recital at Blowing of Whistles, na bahagi ng opisyal na pagsisimula ng paggunita sa National Crime Prevention Week. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments