Thursday, November 26, 2026

DALAWANG PDL SA ALCALA, BENEPISYARYO NG EGG RETAILING LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA DOLE BILANG PANIMULANG PANGKABUHAYAN

May panimulang negosyo nang pagkakakitaan ang dalawang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Alcala, Pangasinan matapos mabigyan ng livelihood assistance para sa egg retailing.

Batay sa ulat, dalawang benepisyaryo mula sa Barangay Laoac at Kisikis ang napiling benipisyaryo ng tig-24,850 pesos na halaga ng produkto para sa kanilang negosyo.

Bahagi ito ng DOLE Integrated Livelihood Program kung saan binibigyan ng oportunidad ang mga PDL na magkaroon ng sariling pagkakakitaan.

Ayon kay DOLE Secretary Francis N. Tolentino, target ng livelihood assistance na maihanda ang mga PDL sa pagbabalik sa lipunan.

Pinangasiwaan ng DOLE Eastern Pangasinan Field Office ang pamamahagi ng mga produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments