35 ANYOS NA TAGA NUMANCIA NA NAKACONFINE SA ILOILO, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Numancia, Aklan- Nakapagtala ng panibagong kaso ng Covid-19 ang Aklan base sa official statement na ipinalabas ng Provincial Health Office ngayong araw. Ito ay 35 anyos na lalaki magmula sa bayan ng Numancia. August 2, 2020 ng pumunta ito sa Iloilo para samahan ang kanyang manugang para sa kanyang referral admission. Ilang araw silang namalagi sa roon at noong august 7, nakaranas ito ng simtoma ng Covid-19 tulad ng lagnat at ubo. Agad itong nagpakonsulta bilang outpatient kung saan nagnegatibo ito sa rapid test base sa kanyang laboratory examination ngunit sa kanyang chest X-ray ay napag alamang may pneumonia ito. Dahil dito, inabisuhan ang pasyente na magpaconfine. August 11 kinunan ito ng swab specimen sample at ipinadala sa Qualimed Hospital sa Iloilo at kahapon August 13 ng lumabas ang resulta na positibo ito sa SARS-CoV-2 (Causative agent ng Covid-19). Napag alamang hindi na nakauwi ng Aklan ang pasyente at sa ngayon ay nakaconfine parin sa Iloilo.

Facebook Comments