Cauayan City, Isabela- Personal na ipinasakamay ni Isabela Governor Rodito Albano III ang unang batch ng mga bagong dump trucks sa ilang mga barangay sa Lungsod ng Ilagan.
Nasa 35 na multi-purpose dump trucks ang naibigay sa mga nasa malalayong lugar sa Lungsod at isusunod na lamang na mabigyan ang mga natitira pang barangay.
Ang mga ibinigay na pang transportasyon ay gagamitin sa mga relief emergency operations, disaster preparedness, garbage disposal, pagpapaganda sa mga kalsada, paghahakot ng mga equipment at iba pang pagbibigay ng serbisyo.
Samantala, inihayag ng Gobernador na kanyang pagtutuunan ng pansin ang mga lugar na madalas makaranas ng pagbaha kaya’t ipinanukala nito ang pagsasagawa ng dredging sa mga binabahang lugar upang mapababa ang tubig at hindi agad nababaha ang Lungsod.
Handa naman umano itong makipagtulungan kay City Mayor Jay Diaz upang maisakatuparan ang kanyang panukala na pinaniniwalaang makakatulong para maiwasan ang madalas na pagbaha sa Lungsod.