Bilang “Responsible Young Adults”, it is a must na maayos natin ang ating finances, not just for the future, kundi security rin. Having a 9-5 job is good, lalo na kung nakakatulong itong mabayaran ang bills, pero kailangan natin isipin ang long-term goals natin para sa ating finances, at isa sa pinakaepektibong paraan ng secure at maayos na finances ay ang pamumuhunan, pag-iinvest o pagpapalago ng ating pera.
Ilan ito sa mga paraan sa pagpapalago ng finances.
1. GOODBYE UTANG!
Di natin maitatago na paminsan minsan ay nagkukulang tayo sa pera, o kaya nama’y may gustong bilhin ngunit wala pa sa budget, kaya naman di maiiwasan na tayo’y manghiram sa ating mga kaibigan at kapamilya, o di naman kaya’y gumagamit ng credit upang makuha ng madalian ang ninanais. Kung nais palaguin ang iyong finances, mabuting umiwas sa pag-utang o credit, kadalasan ito ang nagiging hadlang sa pagulad ng pondo. Simulan sa pagtapos o pag-clear sa mga naiwang utang o credit lalo na sa malalaking utang (car loans, credit card loans) at piliing umiwas na sa pagutang o credit.
2. THE EARLY BIRD CATCHES THE WORM
A tip for financial success, is to start early! Just as the trees don’t grow in one day, finances don’t grow themselves overnight. Ang pagpupundar at pagpapalago ng pera ay kinakailanganan ng matinding pasensya at tiyaga, kung maaga magsisimula sa pagiinvest mas malaki ang span ng panahon upang lumago ito. Kaya ang pagsisimula ng maaga ay malaking tulong sa long-term goals sa iyong finances.
3. LESS LUHO MORE MONEY
Saving up and growing your money takes sacrifices. Kung walang tiyaga walang nilaga, kaya upang makaipon at makapagpalago ng pera, butihing bawasan ang mga gastos na hindi naman kinakailangan, upang makapagbudget ng mas malaking pera para sa pagiipon at pagpapalago. Ugaliing i-track ang mga gastusin upang maging mas epektibo ang pagpapalago dahil kapag alam mo na ang iyong Total expenses, mas mabuting mag-hiwalay na ng pera sa investments.
4. PASOK DITO PASOK DOON
Be open to investing your assets in different investment plans, ang tawag dito ay Diversification. The more that you scatter your investments, mas binibigyan mo ito ng chance lumago in the hands of different plans, by doing so mas tataas ang porsyento ng paglago ng pera mo kumpara sa kung sa isang company mo lang ito ilalagay.
Aritcle written by Karen Hazel Paran