42 LSI’s DUMATING SA AKLAN SA UNANG ARAW NG PAGWAWALANG BISA NG IBINABANG SUSPENSIYON SA KANILA NG DILG REGIONAL OFFICE 6

Kalibo, Aklan – Apatnapu’t dalawang Locally Stranded Individuals LSI’s ang dumating kahapon sa lalawigan ng Aklan sa unang araw ng pagwawalang bisa ng ibinabang suspensiyon sa kanila ng Department of Interior ang Local Government DILG Regional Office 6 noong June 28, 2020.
Sakay ng roll-on roll off vessels ang nasabing mga LSI’s via Caticlan Jetty Port kung saan hindi sila pinapayagan ng mga Coast guard personnel na makababa ng barko habang hindi ang ito sumasailalim sa thermal scanning, pagsusuot ng facemask at inuusisa din ng PCG-Aklan ng kani-kanilang travel authority at medical certificate mula sa kanilang pinanggalingan lugar ganon din ang kanilang certificate of acceptance mula sa uuwiang local government units.
Ayon kay PCG-Aklan Deputy Commander Dominador Salbino, dahil sa pagwawalang bisa ng suspensiyon sa pagpapauwi ng mga LSI’s sa Western Visayas pinaghahandaan nila ang pagdagsa ng mga ito dahil umano nasisiguro nila na hindi lamang Aklanon ang dadaan ng Caticlan Jetty Port kundi ang mga LSI’s din na uuwi ng kalapit probinsiya ng Aklan.

Facebook Comments