455K HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY-BUST OPERATION SA MALASIQUI, PANGASINAN

Umabot sa tinatayang 455,600 pesos ang halaga ng shabu na nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bolaoit, Malasiqui, Pangasinan.

Sa pinagsanib na operasyon ng lokal na pulisya at PDEA RO1, nahuli ang suspek, 41 anyos at residente ng San Carlos City, Pangasinan, na kilala sa alyas na “Epew.”

Narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 67 gramo ng hinihinalang shabu, kasama ang iba pang non-drug evidence.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng suspek at mga testigo, alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at paghahain ng kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments