Nakakasira na ba ng relasyon ang pag-gamit ng smartphones sa isang relasyon?
Ayon sa pagsusuri, ang isang normal na tao ay humahawak sa kanilang phone nang halos 2,617 beses sa isang araw habang ang mahilig humawak ng kanilang phone ay halos 5,427 beses hinahawakan. Madalas natin napapansin na maraming may gamit ng kanilang smartphones lalo na sa mga araw-araw na gawain tulad ng meetings, sa hapagkainan, at pati na rin sa paglalakad. Nagiging sanhi din ito ng away ng mga magka-relasyon. Hindi man ito halata pero ito ang mga signs na nakakasira na ng relasyon ang smartphones niyo.
MESSAGE IMBIS NA MAG-USAP
Minsan kailangan natin i-text an gating mga partner lalo na kapag malayo sila sa atin. Syempre, masarap makabasa ng text galing sa kanya na ‘I love you,’ ‘I miss you,’ at iba pa. Pero kung ito na ang nagiging center ng relasyon ninyo, nawawala ang pagiging sincere ng inyong ‘I love you.’ Isipin niyo nalang kung araw-araw ka niyang sine-sendan ng sweet messages pero hindi mo maramadaman ang sincerity kapag magkasama na kayo.
MAS NAGSHE-SHARE KA SA SOCIAL MEDIA KAYSA SA KANYA
Kapag mayroon kang gustong i-share, saan mo unang ipinapahiyag? Sa partner mo o sa Facebook, kung saan maraming nakakakita? Mas nararamdaman mo ba ang support at appreciation sa mga followers at friends mo kaysa sa partner mo? Hindi masamang mag-share ng updates at litrato as long as hindi naaapektuhan ang inyong relasyon.
NAUUNA PA ANG PHONE KAYSA SA’YO O SA KANYA
Tayong lahat ay sensitive pagdating sa ating relasyon lalo na kung naghahanap ka ng lambing dahil nalulungkot ka o nami-miss mo siya pero lagi siyang nasa phone niya o kaya ikaw naman ang nasa phone mo at siya ang naghahanap ng lambing, hindi ba nakaka-walangbahala? Kahit sabihin niyang nakikinig siya, iba parin kapag nararamadaman mo ang presence ng isang tao. Kailangan mong iparamdam na mahalaga siya kapag may sinasabi siyang importante at hindi yung uunahin mo Facebook mo.
NAGSISIMULA NG AWAY DAHIL SA ISANG MESSAGE
Minsan ba ay nag-aaway kayo dahil lang hindi siya nag-reply ng “I love you too” sa message mo o kaya naman ay inakala mong galit siya nung sinabi niyang “mag-usap tayo mamaya” dahil nasa trabaho siya? Mas madaling ma-interpret ang isang mensahe lalo na kapag hindi mo naririnig o nakikita ang kanyang intensyon sa sinabi niya. Mas sincere ang inyong sinasabi lalo na kung magkasama kayo imbis na nababasa lang ang gusto niyong sabihin.
PRIORITY ANG SOCIAL MEDIA
Minsan ba nahuhuli mo ang iyong sarili na kailangan picture-an lahat ng pupuntahan, kakainin, at ginagawa ng iyong partner dahil gusto mong may mai-post sa inyong Facebook o Instagram? Mas maganda kung mararanasan niyo ito nang magkasama kayo kaysa sa lagi mong hawak ang phone mo para kuhanan ng litrato ang lahat ng inyong ginagawa.
Ang smartphone ay isang malaking bahagi sa mga relasyon dahil nakakatulong itong ma-update o makausap ang inyong partner kahit siya’y malayo ngunit hindi ito dapat maging sentro ng inyong relasyon. Magkaroon ng healthy relationship sa pag-uusap nang magkasama kaysa sa message o chat lang.
Article written by Patrize Jasel Culang