50 REBELDE, SUMUKO SA CORDILLERA

15
Nasa 50 na ang bilang ng mga miyembro ng komunistang grupo sa Cordillera ang sumuko sa awtoridad ngayong taon.

Sa impormasyon mula sa Civil Relations Service Armed Forces of the Philippines, 50 na ang sumuko mula Enero hanggang Agosto 1, 2022.

Ayon sa datos, may 10 ang sumukong rebelde sa Abra; 20 sa Apayao; 9 sa Mountain Province, 8 sa Benguet, at tig-isa sa Ifugao, Kalinga, at Baguio City.

Noong 2021 naman ay may kabuuang 227 na rebelde ang sumuko rin, isa ang nahuli, lima ang napatay, at may 81 ding baril at armas ang narekober.

Facebook Comments