PDL, TARGET NA MABAKUNAHAN NG COVID-19 1ST AND 2ND BOOSTER SHOTS

13
Nagsasagawa ng information drive ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Region 2 na naglalayong mahikayat pa ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa iba’t ibang Jail Units sa buong rehiyon na magpabakuna ng 1st and 2nd booster shots ng Covid-19 vaccines.

Sa impormasyon mula sa Cagayan Provincial Public Information Office, sinabi ni Senior Inspector Susan Encarnacion ang OIC-Health Service Officer ng BJMP na mahalagang makamit nila ang 100% na herd immunity upang maiwasan ang hawaan ng sakit sa kulungan at dahil may comorbidity rin ang ibang PDL.

Kaugnay nito, pinapanatili rin nila ang kalinisan sa bawat pasilidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na pagsasagawa ng disinfection.

Kasalukuyang nagpatupad naman ng β€œNo Contact Visitation Policy” ang BJMP sa kanilang mga pasilidad kung saan maaari lamang ang paabot sa mga ipapamigay sa mga PDL.

May designated window o visiting area naman para sa mga gustong gumalaw.

Facebook Comments