506 NAARESTO SA POLICE OPERATION NG PRO-6 SA WESTERN VISAYAS

Kalibo, Aklan – Umabot sa 506 na mga indibidwal ang naaresto sa isinagawang anti-criminality operation noong Hunyo 20 hanggang 26, 2022 na tinawag na “Birada Semana” sa buong Western Visayas. Sa nasabing numero, 238 ang mga nahuling wanted person kung saan 38 dito ang most wanted persons at 200 ang other wanted persons; 66 ang nahuli sa paglabag sa R.A. 9165; 13 ang lumabag sa R.A. 10591 at 189 ang lumabag sa illegal gambling. Samantala, sa kampanya laban sa ilegal na droga, 54 na mga operation ang isinagawa at 66 na mga suspek ang nahuli. May total recoveries na humigit-kumulang 258 grams ng suspected shabu at 2,000 grams na marijuana at may tinatayang kabuuang halaga na P 1,999,000.00. Nakaaresto naman ng 216 sa 55 na mga anti-illegal gambling operations habang sa kampanya kunta loose firearms ay 216 at 17 na explosives na recover at isinurender. Para naman na mahadlangan ang mga masamang elemento para sa kanilang masamang plano at malimitahan ang kanilang galaw ay nakapag sagawa ng 2, 516 na checkpoints operations ang mga kapulisan. Dahil sa nasabing accomplishments ay pinuri naman ni PRO-6 Director Brigadier General Flynn E. Dongbo ang lahat ng police units sa buong rehiyon sa nasabing operations.
Facebook Comments