Jones Isabela- Nasa 523 tokhang responders na umano ang sumailalim na sa Community Based Rehabilitation Program sa bayan ng Jones Isabela.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Chief Inspector Rex Pascua sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kahapon Hulyo 28, 2018.
Aniya ay mayroon umanong kabuuang bilang na 792 ang tokhang responders sa kanilang nasasakupang bayan at 523 mula rito ay nakatapos na ng CBRP samantalang may natitira pa umanong 260 at ang 44 dito ay nakakulong na.
Dagdag pa niya ang natitira pa umano 216 ay ang kasalukuyang tinututukan ng kanilang himpilan upang mapasuko at mahuli ang mga ayaw sumuko sa kanila.
Sinabi pa ni PCI Pascua na tuloytuloy din umano ang kanilang pagpapatrolya sa kanilang nasasakupan upang matiyak ang katahimikan at kapayapaan ng mga residente sa kanilang bayan.
Samantala, idinagdag pa ni PCI Pascua na kamakaylan ay mayroon din umano silang nahulin at sinampahan ng kaso dahil sa paglabag sa RA 705 o illegal loging kung saan nakumpiska sa kanila ang mga kahoy na may iba’t-ibang sukat.