Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling apektado ng African Swine Fever o ASF ang 56 na barangay sa Pilipinas.
Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Director Dr. Reildrin Morales, ang aktibong kaso ng ASF ay mula sa 15 munisipyo, pitong probinsya, at anim na rehiyon sa bansa.
Ani Morales, bumaba na ang bilang na ito mula sa mahigit 3,800 na mga apektadong barangay.
Kasalukuyan namang nagsasagawa nang trial ng bakuna ang DA na mula sa Thailand sa mga lugar na dating apektado ng ASF.
Ito ay bahagi ng Phase 1 ng vaccine trial upang tuluyan nang wakasan ang pagkalat ng ASF sa bansa.
Facebook Comments