Sa 58 residenteng nasuri, 41 ang nabigyan ng doxycycline bilang prophylaxis laban sa leptospirosis, habang 17 naman ang nabigyan ng bitamina.
Namahagi rin ang health team ng mga hygiene kit sa mga evacuee.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) ng nutrition assessment sa mga batang naapektuhan ng baha upang matukoy ang mga posibleng nanganganib sa malnutrisyon.
Namahagi rin ang MNAO ng multiple micronutrient powder sa mga batang nangangailangan ng karagdagang nutrisyon.
Nauna nang nagsagawa ang MNAO, katuwang ang RHU II, ng kaparehong health at nutrition intervention sa Barangay Pantol noong August 19 bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng Habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










