Umabot na sa 157,246 o 35.4 porsyento ng mga target na bata sa Rehiyon 1 ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella, ayon sa Department of Health (DOH) Ilocos Region.
Sa naturang bilang, 72,209 na bata ang mula sa Pangasinan.
Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng DOH sa mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak bilang bahagi ng MR SIA 2026 upang mapataas ang proteksyon at resistensya ng mga bata laban sa tigdas at rubella.
Ayon sa isang eksperto na nakausap ng DOH, ligtas at epektibo ang bakunang ginagamit sa programa.
Hinimok din ng ahensya ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat online matapos kumalat ang ilang maling paniniwala at fake news tungkol sa bakuna.
Payo ng DOH, sa mga health worker at eksperto dapat sumangguni upang makakuha ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon hinggil sa pagbabakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










