6 Bayan ng Cagayan, COVID-19 Free; Pagbaba ng ADAR, Patuloy

Cauayan City, Isabela- Anim (6) na bayan ng Cagayan ang wala ng naitalang positibong kaso ng COVID-19 batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office.

Kabilang ang mga bayan ng Aparri, Calayan, Camalaniugan,Iguig, Sanchez Mira, at Sta. Praxedes.

Tig-isang kaso naman ang mayroon na lang ang mga bayan ng Ballesteros,Gonzaga, Lal-lo, Rizal at Sta. Teresita.

Samantala, patuloy naman ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa ilan pang mga bayan sa lalawigan.

Habang ang lungsod ng Tuguegarao ang nananatiling may mataas na bilang na nasa 29 active cases.

Kaugnay nito, naitala naman ang apat (4) na panibagong kaso ng pagkamatay habang labing-isa (11) naman ang nakarekober sa sakit.

Patuloy naman ang pagbaba ng Average Daily Attack Rate (ADAR) sa probinsya.

Sa kasalukuyan, nasa 107 na lang ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments