6 million mark ng vaccination, target maabot ng gobyerno ngayong linggo – Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

43

Target ng pamahalaan na maabot ang 6 million mark o yung kabuang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccines sa buong bansa ngayong linggo.

Ito ay matapos simulan na ngayong araw ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group.


Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., inaasahan din kasing darating na ang 4 hanggang 5 million na karagdagang bakuna mula sa COVAX facility.

Kabilang dito ang aabot sa 100,000 dose ng Sputnik V, isang milyong doses ng Sinovac at 2.2 milyong doses naman ng Pfizer BioNTech.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 1.26 million ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1.88 million naman dito ang mga gumaling na.

Facebook Comments