Catriona Gray at Nicole Cordoves, magsasanib pwersa sa pagho-host ng Binibining Pilipinas 2021

51

Magsasanib pwersa ang beauty queens na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves sa paghohost sa Binibining Pilipinas 2021.

Sa Instagram post ni Catriona, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan kasama niya rito si Nicole habang nakasuot sila ng fierce na black swimsuit.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging all-female ang moderator hosts ng nasabing beauty pageant.

Gaganapin ang Binibining Pilipinas 2021 Grand Coronation sa July 11 sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments