Tuesday, November 24, 2026

Mga tollway operator at DOTr, magpupulong sa darating na Biyernes kaugnay ng barrier-less toll system

Nakatakdang makipag-usap si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa lahat ng tollway operators sa Biyernes, November 27, alas-10:30 ng umaga.

Ito ay para pag-usapan ang Barrier App o Barrier-less toll system sa lahat ng expressway sa buong bansa, na planong i-pilot testing sa pagpasok ng Disyembre ngayong taon, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa naunang inilabas na impormasyon ng DOTr, sa ilalim ng bagong sistema ay hindi na kakailanganin pang huminto ng mga motorista sa mga harang at makakatipid na rin umano ang mga motorista sa oras at gasolina.

Gayunpaman ay pag-uusapan pa sa nakatakdang pagpupulong kung ma-a-adjust sa bagong sistema ang speed limit ng mga motorista.

Facebook Comments