7 pulis, inaresto dahil sa extortion

Dinakip ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Anti-Scalawag Unit ang 7 nilang kabaro kabilang ang kanilang station commander at civilian asset sa Angeles City Police Office sa Pampanga.

Ayon kay Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Chief Brig. Gen. Warren de Leon, ang mga ito ay sangkot sa extortion o pangingikil.

Nag-ugat ang reklamo matapos dumulog sa IMEG ang kaanak ng nahuling drug offender dahil kinikikilan umano sila ng P30,000 kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa suspek.


Kinilala ang mga sangkot na pulis na sina Maj. Marvin Aquino na station’s police chief; M/Sgt. Romulo Meligrito, S/Sgts. Nikko Dave Marquez, Mark Steven Sison at Corporals. Richard Gozum, Diosdado Villamor Jr. at Jaypee Mangilit at ang kanilang civilian asset na si Esmael Arviola.

Sa ngayon nasa IMEG Custodial Facility sa Camp Crame ang mga pulis scalawags at nahaharap sa kriminal at administratibong kaso.

Facebook Comments