70 katao, patay matapos ang pambobomba sa Syrian evacuees

38

Syria – Umakyat na sa 70 na katao ang namatay sa suicide car bombing malapit sa mga bus na lulan ang mga Syrians na lumikas sa Rashidin sa kanlurang bahagi ng Aleppo sa Syria dahil sa bakbakan.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, target umano ng pag-atake sa lugar ang mga residente na lumikas mula sa bayan ng Fuaa at Kafraya.

Nasa 128 na katao rin umano ang sugatan sa pag-atake.

May mga ilang katawan, bahagi ng katawan at mga dugo raw ang nagkalat sa grounds dahil sa insidente.
Nation”

Facebook Comments