73 katao, arestado sa isinagawang One Time, Big Time Operation sa Paranaque City

Paranaque City – Arestado ang pitumpu’t tatlo katao kabilang na ang ilang menor de edad sa One Time, Big Time Operation sa Barangay San Isidro at San Dionisio, Paranaque City.

Kabilang sa naaresto ang anim na suspek sa isinagawang buy-bust operation.

Dalawamput pito naman ang naaresto sa pag-iinom ng alak sa mga pampublikong lugar, tatlumpu’t isang menor de edad ang naaresto sa curfew at siyam ang naaresto dahil sa walang pantaas na saplot.


Labing-dalawa ring mga motorsiklo ang narekober sa nasabing operasyon ng mga otoridad.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya na ngayon ng Paranaque Police.

Facebook Comments