
Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson BGen. Allen Rae Co na may persons of interest na sila sa pagpatay sa hepe ng pulisya ng Bubong, Lanao del Sur na binaril sa loob ng kaniyang inuupahang apartment noong Lunes ng hapon, November 23.
Ayon kay Co, nakuha sa CCTV footages ang apat na hindi pa nakikilalang mga suspek sa nasabing insidente, isa ang bumaril sa pulis at ang tatlo ay nagsilbing lookout para gawin ang krimen.
Dagdag pa ni Co, posibleng may kaugnayan sa trabaho ang pagpatay sa nasabing hepe lalo na naging hepe na rin ito sa iba’t ibang bayan.
Aniya, makikita na may kakayanan ang gumawa ng nasabing krimen at mukhang pinagplanuhan talaga ito,
Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation sa naturang kaso.
Facebook Comments










