Cauayan City, Isabela- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) region 2 ang walong barangay bilang ‘drug cleared’ matapos ang masusing evaluation na ginawa ng Regional Oversight Committee ng ahensya.
Kinabibilangan ito ng mga barangay Buntun, Caritan Centro, Larion Alto, Larion Bajo, Leonarda, Libag Norte, Linao Norte at Pallua Norte.
Inihayag naman ni PDEA-RO2 Director Joel Plaza na malaki ang naging papel ng mga barangay officials at komunidad sa “Barangay Drug Clearing Program”.
Aniya, kinakailangan din na mapanatili ang kawalan ng presensya ng droga sa bawat komunidad upang tuloy-tuloy na makamit ang pagiging isang drug-free society.
Hinimok naman ni PCol. Ariel Quilang ang publiko na suportahan ang kampanya ng pamahalaan para labanan ang illegal drugs.