8 kaso ng red tape, naitala ng ARTA

 

Nakapagtala ang Anti Red Tape Authority (ARTA) ng walong kaso ng red tape sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan mula enero 2024.

Batay sa ipinadalang datos ng ARTA sa Malacañang, lima sa mga kaso ay mula sa Land Transportation Office (LTO), tig-iisa sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Statistic Office at sa hindi tinukoy na Local Government Unit (LGU).

Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, patunay ito na may ahensya na tumututok at nagpapatupad ng mga batas para masakote ang lahat ng sangkot sa ganitong pangyayari sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.


Tiniyak naman ng ARTA na tututukan nito ang tumataas na kaso ng anomalya sa transaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na makiisa sa kanilang kampanya para tuldukan ang dumaraming bilang ng fixer sa bansa.

Facebook Comments