82-taong gulang na Lolo tinutukan ng baril ng 48-taong gulang na live in partner dahil sa pera sa Mangaldan Pangasinan

343

Tinutukan ng baril ang isang Lolo sa Brgy. De Guzman Mangaldan Pangasinan matapos umanong hindi nito bigyan ng pera ang kaniyang ka live in partner na 48 taong gulang. Sa report ng PNP Mangaldan, nagpunta si Antonio Vergara sa kanilang himpilan at inireport ang kaniyang katiwala na kinilalang si Nora Domagas na tinutukan niya ng baril. Agad na rumisponde ang pulisya at agad namang isinuko nito ang Armscor Caliber 45 na naglalaman ng tatlong bala.
Ayon kay Domagas ka live in partner niya umano si Vergara ngunit ayaw nitong aminin.
Ayon sa PNP Mangladan ang motibo sa panunutok nito ng baril ay dahil sa hindi pagbibigay ng pera ni Vergara sa kaniya.
Nasa kustodiya nan g PNP Mangaldan si Domagas at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments

From Advertisers