988 na pulis, sinanay bilang Board of Election Inspectors

Tapos nang sanayin ang 988 na pulis para magsilbing board of Election Inspectors (BEI) sa May 9 election.

Ayon ito kay PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, na siya ring deputy director ng Security Task Force National and Local Elections 2022.

Paliwanag ni De Leon, ang mga pulis na ito ang papalit sa mga guro na umatras sa pagiging BEI dahil sa pangamba sa kanilang seguridad.


Sinabi ng heneral na sakaling maaprubahan na ang mga pulis para umaktong BEI sa mga lugar na isinailalim sa Comelec control ay bago nila ide-deploy ang kanilang mga tauhan.

Matatandaang anim na bayan sa Maguindanao habang ang Marawi City at tatlong bayan pa sa Lanao del Sur ang isinailaim sa Comelec control dahil sa election-related violence.

Facebook Comments