AAYUSIN | Nagbabanggaang paksyon sa PDP-Laban susubukang ayusin ulit ni PRRD

Manila, Philippines – Tatangkain muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawang paksyon sa PDP-Laban.

Mamayang hapon kasi ay dadaluhan ni Pangulong Duterte ang leadership assembly ng PDP-Laban na gagawin sa Pasay City kung saan inaasahan na dadaluhan ng mga nagbabanggaang pamunuan ng partido partikular ang paksyon nila Senador Koko Pimentel at Atty. Rogelio Garcia.

Matatandaan na una nang tinangka ni Pangulong Duterte na pag-isahin ang kanyang partido kung saan binigyang diin ng Pangulo na kailangang mangibabaw ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.


Una nang sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na magkakaroon pa ng ibang pagkakataon para mailabas ng dalawang panig ang kanilang mga saloobin sa gitna ng hindi pagkakaintindihan.

Facebook Comments