Absentee voting sa PNP, nagsimula na

Umarangkada na rin ang absentee voting sa Philippine National Police (PNP) para sa eleksyon 2022.

Aabot sa mahigit 30,000 mga pulis at sibilyan na tauhan ng PNP ang nag-avail ng absentee voting.

Mahigit 3,000 dito ay Crame based personnel at halos 27, 000 naman ang mga nasa police regional office.


Ang Multi Purpose Center sa Camp Crame ang venue para sa Crame-based PNP personnel.

Habang ang mga kampo naman sa Police Provincial Office ang venue para sa mga PNP personnel sa probinsya

Pagkatapos bumoto, ipapakalat agad ang mga pulis sa kanilang mga assignment sa eleksyon para magsilbing dagdag-pwersa a mga pulis na una nang naipakalat para magbantay ng segurifad

Magtatagal ang absentee voting sa PNP hanggang Byernes, April 29, 2022.

Facebook Comments