Abu Sayaff leader Isnilon Hapilon, nakaalis na sa Marawi ayon sa AFP

121

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala na sa Marawi City ang Abu Sayaff leader na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay joint task force Marawi Spokesperson, Lt/Col. Jo-Ar Herrera – inabandona na ni hapilon ang kanyang mga tauhan na nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Dagdag pa ni Herrera – tama rin ang impormasyon na sugatan si Hapilon at patay na rin ang tumatayo nilang financier na si Mahmud Ahmad.


Sinabi naman AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo – sa ngayon, ginagamit pa rin ng mga terorista ang kanilang bihag at mga sibilyan na humawak ng armas para labanan ang mga sundalo.

Dahil naman sa pagtakas ni Hapilon, sinabi ni Arevalo na isa itong indikasyon na unti-unti nang nagtatagumpay ang militar sa pagpuksa sa teroristang grupo.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy pa rin ang pagtugis ng militar sa teroristang lider.



Facebook Comments