Wednesday, April 15, 2026

Rep. Cendaña, kinuwestyon kung bakit excise tax lang ng LPG at kerosene ang sinuspinde

Kinuwestyon ni Perci Cendaña kung bakit tanging ang excise tax lamang ng liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene ang sinuspinde, at hindi isinama ang iba pang produktong petrolyo.

Sa nagdaang pagdinig ng House Deca Tri Committee, na kilala rin bilang Legislative Energy Action Development Council (LEAD Council), inusisa ito ni Cendaña kay Rolando Ligon.

Ayon kay Cendaña, matagal nang inaasahan ng publiko ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil direkta itong nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa naturang pagdinig, ipinaliwanag ni Ligon na inuna ang LPG at kerosene dahil sa kanilang pag-aaral, humigit-kumulang 50% ng mga gumagamit nito ay kabilang sa 70% ng vulnerable sector.

Facebook Comments