
Bibiyahe patungong Tacloban City ngayong araw si Ferdinand Marcos Jr. para sa dalawang nakatakdang aktibidad.
Una, dadalo ang Pangulo sa programang “Bayanihan para sa Balikbayang Manggagawa,” na layong tulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na makabalik at makapagsimulang muli sa bansa.
Kabilang sa mga serbisyong inaalok ng programa ang pagbibigay ng hanapbuhay, tulong pinansyal, at mga pagsasanay (training) upang masuportahan ang kanilang reintegrasyon sa Pilipinas.
Pagkatapos nito, pangungunahan naman ng Pangulo ang mass oath-taking ng mga bagong na-promote na pampublikong guro at mga school principal sa ilalim ng Expanded Career Progression Program.
Facebook Comments










