*Cauayan City, Isabela*- Nadoble umano ang pahirap sa mga Pinoy simula noong umupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni ginoong Isabelo Adviento, ang Coordinator ng ANAKPAWIS Partylist sa Cagayan Valley sa RMN Cauayan kung saan siya lamang umano ang kakaiba sa lahat ng mga namuno dito sa bansa.
Aniya, kung gaano kalala ang krimen na naitala noong mga nagdaang administrasyon ay nadoble pa umano ito sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Lumala na rin umano ang pahirap na nararanasan ng mga Pinoy gaya ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, presyo ng langis at marami pang iba na sanhi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na ipinatupad ng Pangulo.
Samantala, handa na ngayon ang grupong ANAKPAWIS para sa kanilang protesta sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.