Aegis Juris Fraternity Library na pinagdausan ng initiation rites ni Horacio Castillo III, muling bubusisiin ng MPD

Manila, Philippines – Maaaring balikan ng Manila Police District ang library ng Aegis Juris fraternity sa Laon Laan St., Sampaloc, Maynila.

Sa panayam, sinabi ni MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo, nais ilang tingnan kung may makukuha pang ebidensiya sa frat library.

Naniniwala rin si Margarejo na napreserba ang crime scene dahil walang weather condition na maaaring makasira sa mga ebidensiya sa kaso ng pagpatay kay Atio.


Nananatili aniyang nakapareserba ang crime scene dahil sampung araw ang bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Reynaldo Alhambra ng Manila Regional Trial Court Branch 53.

Facebook Comments