AFI Festival ng Tuguegarao City, Ipagdiriwang Online

Cauayan City, Isabela- Ipagdiriwang online ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City ang ‘AFI FESTIVAL’ sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa.

Ayon kay City Information Officer Lenie Umoso, nagsimula ng ipalabas ang mga videos may kaugnayan sa selebrasyon ng piyesta gamit ang social media site ng LGU.

Ayon pa kay Umoso, kabilang din sa ipinalabas ang ilang dokumentaryo para sa pag-alala sa makasaysayang pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod.


Aniya, magkakaroon din ng face-to-face activity na tanging misa lang ang pinayagan sa mismong araw ng kapistahan nito na gagawin sa Ermita de San Jacinto na inaasahang maipapalabas live sa social media at isang cable network.

Kabilang naman sa mga hindi mapapasama ang ilang major activities gaya ng Pancit cooking contest, TODA dance contest, Zumba at Street Dance Competition (AFI Festival Dance).

Ngayong taon, inaasahang masusungkit ng Tuguegarao City ang Guiness World Records na may pinakamaraming bilang ng sumayaw gamit ang sana’y sabay na pagpapailaw ng torch.

Bida rin sa selebrasyon ang ‘old dolls’ na dadamitan ng mga designer sa konsepto ng AFI Festival sa darating na linggo.

Ginawa itong Afi Festival na hango sa salitang “afi” o apoy ng mga Ibanag dahil ang Tuguegarao City ay siyang naitalang pinakamainit na lugar sa Pilipinas taong 1969.

Bukod dito,kilala ang Probinsya ng Cagayan dahil sa ipinagmamalaking sikat na pagluluto ng ‘Pansit Batil Patong’ sa Lungsod ng Tuguegarao.


Facebook Comments