Umaabot sa tatlong daan kasapi ng Kampilan at Cotabato City Police Office ang dumalo kahapon sa forum ng Information and Education campaign patungkol sa itinatakbo ng Ceasefire Mechanism sa ilalim ng Security Sector ng usaping pangkapayapaan. Nanguna sa programa ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process kung saan itoy dinaluhan ni OPAPP Assistant Sec.Dickson Hermoso..Siyay nagbigay ng update sa kasundaluhan at kapulisan hinggil sa Ceasefire Mechanism kung anu na ang kanilang nagawa at anu ang mangyayari kung sakaling maging batas na ang Bangsamoro Basic Law.Umiikot sa mga kampo ng militar at PNP si Asec.Hermoso upang ipaliwanag ang Ceasefire Mechanism. Sa panig ng Bangsamoro Transition Commission dumalo si Commissioner Susana Anayatin na nagbigay ng kasalukuyang estado ng pagtalakay ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Bangsamoro Basic Law.
AFP-PNP IEC Campaign inilunsad sa Cotabato City
Facebook Comments