ILOCOS REGION, PINALALAKAS ANG HAKBANGSA SEGURIDAD SA TUBIG BILANG PAGHAHANDA SA EL NIÑO

Pinalalakas ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga hakbang upang matiyak ang sapatna suplay ng tubig sa Ilocos Region bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño sa taong 2026 hanggang 2027.

Katuwang ng DENR ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at water districts upang makahanapng alternatibong pinagkukunan ng tubig at mapahusay ang pamamahala at pagtitipid nito.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Atty. Ronnel C. Sopsop, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat ahensiyaupang matiyak ang maayos na pamamahagi at pangangalaga sa mga pinagkukunan ng tubig.

Kabilang sa mga hakbang ng DENR ang pagsusuri sa 79 na small water impounding systems na posibleng kumpunihin ogamitin muli.

Maglalaan din ito ng limang multipurpose rainwater harvester tanks sa Laoag City, Santo Domingo saIlocos Sur, Bangar sa La Union, San Fabian sa Pangasinan, at sa regional office ng DENR.

Samantala, nakapagtayo na ang Department of Public Works and Highways o DPWH ng 58 rainwater collectors sarehiyon, habang naghahanda naman ang Department of Science and Technology o DOST ng mga solar-powered watersystem at filtration projects.

Ang mga programang ito ay isasama sa Regional El Niño Action Plan at regular na susubaybayan upang mapalakas angkahandaan ng mga komunidad laban sa posibleng matagal na tagtuyot at kakulangan sa suplay ng tubig.

Sa pamamagitan nito, layunin ng mga ahensiya na matiyak ang tuloy-tuloy na pagkakaroon ng malinis at sapat na tubigpara sa mga mamamayan sa kabila ng banta ng El Niño.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments