Sa isinagawang courtesy visit at pulong, tinalakay ng dalawang panig ang cash-based livelihood assistance program na ipatutupad mula Hulyo hanggang Agosto 2026 upang suportahan ang pagpapanumbalik ng kabuhayan ng mga benepisyaryo.
Napagkasunduan din ang mga pamantayan sa pagpili ng mga tatanggap ng tulong.
Prayoridad ang mga bona fide resident ng San Fabian na lubhang naapektuhan ng kalamidad, kabilang sa below poverty threshold, handang dumalo sa mga assembly, training at orientation, may child-focused household—lalo na ang may tatlo hanggang limang anak—at kabilang sa mga vulnerable sector gaya ng Persons with Disabilities (PWDs), solo parents, at senior citizens.
Tinalakay rin sa pulong ang pakikipag-ugnayan ng nabanggit na foundation sa Municipal Agriculture Office at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga prayoridad na barangay at maisagawa ang beripikasyon ng mga kwalipikadong benepisyaryo bago ilunsad ang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










