Aklan may pinakamaraming numero ng PUMs

Kalibo, Aklan – Nangunguna ang probinsya ng Aklan sa may pinakamaraming numero ng mga Persons Under Monitoring (PUMs).
Base sa rekord ng Regional Disaster and Management Council Region 6, umabot na sa 1, 137 ang numero ng mga PUMs sa Aklan, sinusundan ng na may 244; Capiz 237; Guimaras 107 ; Iloilo Province 1,042; Negros Occidental 554; Bacolod City 122; at sa Iloilo City ay 230.
Tumaas rin sav 71 ang numero ng mga Patients Under Investigation (PUIs) sa Western Visayas mula sa 65.
Samantala, nagnegatibo na ang 44 at na-discharge na ng ospital habang ang 16 ay naka-admit pa at hinihintay na lang ang resulta ng test.
Sa pinakahuling datos, naitala na ang kabuuang 3,673 na Persons Under Monitoring (PUMs) sa buong Rehiyon VI.

Facebook Comments